Talaan ng Nilalaman :
P A N I M U L A
Mga Suliranin
Halaga ng Pag-aaral
Layunin
Metodolohiya
Limitasyon ng Pag-aaral
KATAWAN
Mga dahilan ng pagkakaroon ng “INCOMPLETE”.
Mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng “incomplete”
Resulta ng Survey
Litrato ng mga Survey
REKOMENDASYON at KONKLUSYON
P A N I M U L A
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga estudyante ng Komersyo sa Unibersidad ng Santo Tomas na nagkakaroon ng “incomplete” sa grado. Ayon sa Student Handbook ng Unibersidad ng Santo Tomas, and isang estuyante na hindi nakakuha ng “final examination(s)” o hindi nakapasa ng ’major requirement” ng kurso, dahil sa sakit o anu mang tanggap na dahilan ay mabibigyan ng marka na “INCOMPLETE”. Ang pagkumpleto ay dapat na “scheduled” at “supervised” ng Office of the Dean, at dapat ay hindi tumagal o lumagpas sa susunod na “semester”. Kailangan makumpleto ng estudyante ang kakulangan sa sinabing panahon, kung hindi niya ito magawa ay makakakuha siya ng isang bagsak na marka sa kurso kung saan siya ay “incomplete”.
Mga Kinakailangan Gawin Upang Matanggal ang “INCOMPLETE”
a. Kumuha ng ‘application form” sa Office of the Dean na nilalaman ang mga sumusunod:
Pangalan
Student Number
Kurso na Incomplete
Semester na kinuha ang kurso
Nakaligtaang Pagsusulit o Proyekto
Mga sumusuportang dokumento
b. Ibigay ang “application form” sa propesor ng kurso, at matapos ang tamang paghuhusga, ang mga sumusunod:
“Completion requirement”
‘Approval of application”
* Ang “completion requirement” ay dapat kapareho o malapit sa orihinal na kakulangan ng estudyante.
c. Ibalik ang “form” sa Office of the Dean. Ang estudyante ay bibigyan ng petsa kung kailan at saan gaganapin ang pagkukumpleto. At ang tamang implementasyon ng mga grado na manggagaling sa Office for Academic Affairs at Office of the Registrar.
d. Sa mga sitwasyon kung saan ang dahilan kung bakit hindi nakakuha ng pagsusulit ang estudyante ay tanggap. Maaaring magbigay ng espesyal na pagsusulit ang propesor na may kasamang mga dokumento na sumusuporta sa pagsusulit na ito na ibibigay ng propesor sa linggo ng nasabing pagsusulit.
Mga Suliranin
1. Anu-ano ang mga dahilan bakit nagkakaroon ng “incomplete” na grado ang mga estudyante
2. Anu-ano ang solusyon o aksyon ang kanilang ginawa upang tugunan ang kanilang “incomplete” 3. Gaano katagal ang ginugol nilang panahon at oras na pagkukumpleto ng “incomplete” na ito
4. Ano ang epekto ng “incomplete” na marka sa kasalukuyan nilang pag-aaral
Halaga ng Pag-aaral
Ito ang napili ng mananaliksik sapagkat dumadami ang bilang ng mga estudyanteng nagkakaroon ng “incomplete” na grado at hindi nakukumpleto nang mabuti kaya naman sa halip na maipasa ang kurso ay kinukuha pa nila muli ang kursong ito tuwing bakasyon. Isa itong malaking suliranin hindi lamang sa estudyante o sa propesor, kundi pati na rin sa mga magulang sapagkat parang napunta lamang sa wala ang kanilang pinagpagurang pera sa pagbayad sa pag-aaral ng mga anak. At lalo na kung hindi nila makukumpleto ang kurso kung saan sila ay “incomplete”. Sa hirap pa naman ng estado ng pamumuhay sa ating bansa ngayon ay importante ang mag-aral nang mabuti at magsipag upang hindi na makadagdag sa problema ng mga magulang.
Layunin
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay makatulong o maging gabay sa mga estudyante upang maiwasan nila ang ganitong sitwasyon. Isa pa ay upang makabasa sila ng mga karanasan ng mga estudyanteng nagkaroon ng “incomplete” sa kani-kanilang asignatura. Layunin ng pananaliksik na ito ay makapagbigay-alam sa mga estudyante sa unang baitang ng kolehiyo na hindi pa gaanong alam ang pasikot-sikot sa mundo ng kolehiyo.
Metodolohiya
Ang mga termino sa pag-aaral na ito ay kinuha ng mananaliksik sa “Student Handbook” ng Unibersidad ng Santo Tomas mula sa Office of the Dean ng Komersyo.
Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng “survey forms” na pinasagutan ng mananaliksik sa mga estudyante ng Komersyo na nagkaroon na ng “incomplete” na marka upang ma-tally ang karaniwang dahilan kung bakit nagkakaroon ng “incomplete’ na grado ang mga estudyante at kung ano rin ang solusyon o aksyon na kanilang ginawa upang pumasa nang tuluyan sa kurso kung saan sila ay “incomplete”. At base sa resulta ng “survey” ay bumuo ng konklusyon at payo sa mga susunod na gagawa ng sarili nilang pananaliksik sa parehong tema.
Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa mga estudyante mula sa unang antas ng Komersyo ng Unibersidad ng Santo Tomas. Isinagawa ang pag-aaral ng isang lingo, mula Oktubre 5, 2008, hanggang Oktubre 9, 2008. Limang tao lamang ang pinasagutan ng survey.
KATAWAN
Mga dahilan ng pagkakaroon ng “INCOMPLETE”.
Ayon sa “Student Handbook” ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng marka na “incomplete” ang mga estudyante ay kapag sila ay hindi nakakuha ng anumang pagsusulit, kapag may kakulangan sila sa mga proyekto, o kapag hindi nakapagbayad nang buo sa matrikula ang estudyante.
Ayon sa "survey" ng mananaliksik, ang kadalasang dahilan kung bakit nakakauha ng marka na “incomplete” ang mga estudyante ay dahil hindi sila nagpasa ng mga proyekto o mga takdang aralin sa oras. Kadalasan daw itong nangyayari sa panahon ng huling pagsusulit sapagkat sunod-sunod ang kanilang pinapasang mga proyekto, kaya nakakaligtaan nila ang ibang mga proyekto, at sa oras ng kuhanan ng marka lamang nila naaalala o nalalaman na sila pala ay may nakalimutang ipasa. At ang “incomplete” na marka na ito ay binabawi nila sa kasunod sa “semester” upang hindi sila bumagsak sa kursong iyon.
Mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng “incomplete”
Ang mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng “incomplete” na marka sa nabuo ng mananaliksik ay ang mga sumusunod:
Alamin ang Prayoridad
Kung alam ng estudyante ang kanilang prayoridad, alam nila kung ano ang dapat nilang unahin at tapusin. Malalaman din nila kung ano ang mas importante.
Tamang Pangangasiwa ng Oras
Ang oras ay isa sa pinaka-importanteng elemento sa buhay ng isang mag-aaral. Sa pamamagitan ng tamang pangangasiwa ng oras, ang estudyante ay magiging mas responsable at hindi sila mag-aapura kapag sunod-sunod na ang pasahan ng mga proyekto.
Makinig sa Propesor at Mag-aral nang Mabuti
Sa pakikinig sa propesor ay marami ng matututunan ang mga estudyante at malalaman din nila ang lahat ng pinapagawa ng propesor. At sa pag-aaral nang mabuti ay hindi na dapat mangamba ang estudyante sa pagkakaroon ng incomplete o kahit bagsak na grado.
Resulta ng Survey
Ang survey ay ginawa gamit ang mga survey forms na pinasagutan ng mananaliksik sa mga estudyante ng Komersyo sa unang antas ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Ang mga sumusunod ay ang mga tanong na nasa survey forms:
1.Anong asignatura ang “incomplete” o mga “incomplete” mo?
2.Anu-ano ang mga paraan mo upang tuunan ang “incomplete” na ito?
3.Mga dapat gawin upang hind maging “incomplete” (sa iyong opinyon).
4.Gaano mo katagal ginawa ang iyong “requirement”?
5.Ilarawan ang iyong sarili bilang estudyante.
6.Ano ang iyong mapapayo sa ibang mag-aaral upang hindi magkaroon ng markang “incomplete”?
Sa unang tanong na kung anong asignatura ang madalas na may incomplete ang mga estudyanteng pinasagutan ang survey forms, dalawa ang sumagot ng FILIPINO II at tatlo naman ang sumagot ng Psychology.
Sa ikalawang tanong na ano ang ginawa ng sumasagot upang pagtuunan ng pansin ang kanyang “incomplete” na marka, iisa ang kanilang sagot at ito ay ang paggawa ng Research.
Sa ikatlong tanong na gaano mo katagal ginawa ang iyong requirement, mahigit dalawang lingo lamang.
Sa ikaapat na tanong ay iba-iba ang kanilang mga sagot.
Sa huling tanong ay iisa ulit sila ng sagot at ito ay ang mag-aral nang mabuti.
Litrato ng mga Survey
Rekomendasyon at Konklusyon Ang maipapayo ng mananaliksik sa mga susunod na mananaliksik ay lakihan ang Limitasyon ng pag-aaral na hindi lamang sa sariling eskwelahan, pati na rin sa iba pang mga unibersidad upang mas maging komprehensibo ang pag-aaral. Maging mas masinop din sa mga impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga “reference” tulad ng mga handbook at mga “transcript of records” ng mga estudyante sa eskwelahan kung saan gaganapin ang pagaaral.
Kinakailangan din na may kakilala ang mananaliksik na nagtatrabaho sa mga opisina ng mga eskwelahan, partikular na sa “Dean’s Office” kung saan napakaraming impormasyon ang makakalap.
At maging magalang din sa lahat ng mga tutulong sa mananaliksik o kung sino mang makakasalamuhang mga tao dahil sila ay makakatulong ng malaki sa pag-aaral o sa pananaliksik.
Ang napakahalagang implikasyon ng pagkakaroon ng “incomplete” na marka ng mga estudyante ay ang pagiging pabaya nila sa mga kursong “incomplete” sila. Sapagkat kung talagang pinahahalagahan nila ang kursong ito, hindi nila ito babaliwalain bagkus, tutuunan pa nila ito ng pansin.
Nakita sa resulta ng survey na halos “minor subjects” ang may incomplete ang mga estudyante. Hindi sapat na dahilan ito upang huwag nang buhusan ng panahon ang mga kursong ito sapagkat parte pa rin sila sa humuhobog, hindi lamang sa utak o pag-iisip ng maga estudyante, kung hindi pati na rin sa kanilang mga personalidad. Maaring hindi pa nakikitaan ng mga estudyante ang halaga ng mga kurong ito ngayon, pero lahat ng pinag-aaralan o kurso na kinukuha ng mga estudyanate ngayon ay may malaking tulong sa buhay na haharapin ng mga estudyante sa labas ng apat na kanto ng eskwelahan at sa pagharap sa totoong buhay na naghihintay sa kanila.
Kailangan ay alam ng mga estudyante kung paano gugugulin ng wasto ang kanilang oras upang maiwasan ang pagkakaroon ng “incomplete” na marka. Inihahalintulad ng mananaliksik ang oras sa pera, na napakahalaga at konti lamang sa bilang. Kung gugugulin lamang ang oras sa walang saysay na mga gawain ay masasayang lamang ang panahon na sana ay nagamit sa paggawa ng mas importanteng mga bagay tulad ng mga takdang aralin, proyekto, o pag-aaral para sa mga pagsusulit.
Napakalaking abala ang pagkumpleto ng requirement sa isang “incomplete” na marka, hindi lamang sa parte ng estudyante, kundi sa propesor narin.
Ang lahat ng ito ay nag-uugat lamang sa isang sanhi, at ito ay ang pag-aaral ng mabuti. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, walang makakaligtaang proyekto o takdang aralin sapagkat alam ng estudyanteng masipag mag-aral ang kanyang mga prioridad, mga dapat at hindi dapat gawin, at ang mga mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin.
Mahalaga na sa kahit anumang edad ay patuloy pa rin ang ating pag-aaral ng iba't ibang bagay na makakatulong para lumago at umunlad ang ating kabuhayan. Ito ay hindi lamang sa mga bagay na may kinalaman sa trabaho - kundi maging sa kalagayan ng pagsasama ng mga miyembro ng pamilya o kaya'y sa pagpapatakbo ng buhay, aspetong sosyal, pangkultura, pampolitika o kaya'y pangkabuhayan o pinansyal.
1 comment:
Good morning po tanong ko lang po kung sino ang mga author nito at kung saan din na publish to??
Post a Comment